PERA
Ano nga ba ang Pera? Gaano ito kahalaga sa buhay ng isang tao?
Sukatan nga ba ito ng katanyagan at tagumpay ng isang tao? O isa lamang
itong palamuti ng buhay na walang kinalaman sa iyong pagkatao at sa
pagtubo ng puting buhok sa ulo mo?
Pera. Isang
salitang palagi mong maririnig sa pang araw araw na buhay. Mayaman,
mahirap, lalaki, babae, bakla, tomboy, bata, matanda, may pinag aralan o
wala, iyong maririnig sa kanila ang salitang ito, "PERA". O kahit ikaw
na bumabasa nito, maaring nasambit mo rin itong salitang ito noong
binasa mo ang
title ng blog na 'to.
|
Ang tradisyunal ng barter system ng sinaunang panahon |
Ayon sa
kasaysayan, nagsimula ang lahat ng ito noong matuto ang tao sa
pangangalakal. Dahil ang bawat tribo o grupo ay may kani kaniyang
produkto, ipininagpapalit nila ito ng iba pang produkto mula sa ibang
tribo o grupo. At sa bawat produktong kanilang ipinagpapalit, sila ay
nagdedesisyon kung ano at kung ilang piraso ang katumbas nito.
Barter System po ang tawag dito.
|
Iba't ibang uri ng barya |
Ngunit sa patuloy na pagtuklas ng tao upang makagawa ng isang
medium
o instrumento na magpapadali sa paraan ng pangangalakal, naisipan
nitong gumawa ng isang hugis bilog at pahabang papel na may kani
kaniyang halaga at tinawag nya itong "Pera" o
Money sa wikang ingles.
Naalala ko ang minsang nasabi sa akin ng aking kaibigang si Bart habang kami ay nakatanaw sa mga taong nasa ibaba ng
PUP Building mula sa ika-5 palapag ng
corridor
na aming pinagtatambayan na ang bawat tao daw ay walang iniisip kundi
Pera. Mga studyanteng nagmamadaling pumasok baka mahuli sa iskwela, mga
propesor o titser na hindi yata nagkakasakit at laging
present sa klase, mga empleyado at mga negosyante o simpleng
vendor
ng " takatak" sa kalye, o maging ang isang batang pulubing nakatanaw
sa bawat dumaraang seksing babae. Lahat sila, ang iniisip daw ay pera.
Kung papaanong magkakapera, magkano ang magiging pera at kung kailan
magkakapera. Oo nga naman, sino ba sa atin sa ngayon ang ayaw ng
"pera"? Ikaw ayaw mo ba?
Natural sa tao ang
maghangad ng pera lalo na sa nakakahilong takbo ng mundo natin sa
ngayon. Ang iba nga todo kayod sa trabaho na parang wala ng balak umuwi
ng bahay para lamang maging malaki ang maiuwing pera sa araw ng
sahuran o sweldo. Habang ang mayayaman ng mga negosyante ay halos
tumira na sa loob ng
conference room upang pag mitingan kung
paano pa mas mapapalawig ang negosyong kanilang naipundar. Ang iba,
nagtitiis na mapalayo sa mga mahal sa buhay at maghanap buhay sa ibang
bansa upang kumita ng mas malaking pera. 'Yung iba naman, parang
regular ng kasali sa bawat pila ng mga
game shows
sa pag asang mapili at manalo ng mga papremyo. At iyong iba naman,
nakukuntento na lang sa kung ano at magkano ang darating sa katapusan o
sa
year end bonus. Kaya't masasabi nating pera ang isa sa mga
kailangan ay mayroon ka sa makabagong pahanon na ito. Sa panahon na
kung saan ang dating libreng tubig mula sa batis at ilog, ngayon ay
halos katumbas na o mas mahal pa sa presyo ng isang kilong isda sa
mercado.
Ngunit papano kung hindi sapat ang perang hawak mo para sa mga pangangailangan mo?
Sa
hindi maipaliwanag na kadahilananan at walang kinalaman ang Seyensya
at Agham, dumarating sa buhay ng tao ang oras ng kagipitan o kakulangan
sa pera. Nagkasakit ang anak, magulang o kapatid, namatayan,
nasunugan, binaha at tinangay ang isang malaking
safety vault
sa bahay, o nilindol at nilamon ng lupa ang buong kabahayaan. Ang tawag
po dito ay mga biglaan o hindi inaasahang pangyayaring nagdudulot ng
kakapusan at matinding pangangailangan sa pera. At sa ganitong
sitwasyon, kadalasan ay biglaang solusyon ang kailangan. At kung wala
ng perang mahiram sa mga kaibigan dahil halos ikaw na ang umubos ng
savings nila. At kung hindi ka makautang sa bangko dahil hindi ka naman kwalipikado, wala ka ng ibang maiisip kundi ang lumapit sa mga
"super heroes to the rescue" na s'yang
mastermind
sa pag sikat ng dalawang pinaka tanyag na numero sa mga panahong ito,
ang "5-6" o ang pag utang ng kakarampot na halaga at pagbabayad ng
walang katapusang
interest hanggat hindi bayad ang
principal.
Kung kaya't dahil dito, may mga ibang taong mas pinili na lamang ang
magnakaw, manloko ng ibang tao at pumatay. Ngunit para sa mga hindi
kayang gawin ito, mas pinipili nila ang isa pang
option, ang "magsugal".
Masasabing
isa sa pinakamabilis na paraan upang dumami ang pera ay ang
pagsusugal. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Dahil katulad din ng
pagsikat ng araw sa silangan, ang mga panalong naiuwi mo at nakamit ay
maaaring matangay at mawala sa paglubog ng araw sa kanluran. Pwera na
lamang kung lubhang matalino ka at para kang nag
hit and run. Ngunit sabi nga nila, wala daw yumayaman at nananatiling mayaman sa sugal. Maliban na lang siguro kung nanalo ka sa
lottery at pinangalagaan mong mabuti ang biyayang iyong nakamit.
Katulad ng mga pamimiliang nabanggit sa itaas, minsan ko na ring pinasok ang isa sa mga ito, ang "sugal". Mula sa simpleng
tong-its habang nagkakape sa lamay, hanggang sa makarating ako at sumubok sa isang pasugalang libre ang pagkain at inumin.
Sa "Casino". Ayon nga sa kaibigan kong si Jhun,
CASh IN Only
daw ang pinaka simpleng ibig sabihin nito. At gaya ng iba, dahil din sa
pangangailangan sa pera kung bakit hinila ako ng aking mga paa patungo
sa dambuhalang gusaling ito. At gaya din ng iba, nakatikim din ako ng
kakarampot na panalo mula dito.
Beginner's Luck daw ang tawag
dito. Masarap sa pakiramdam ang biglaang pagkakaroon ng perang halos
isang buwan mo pa dapat paghihirapan. Pero syempre, tulad ng mga
Telenovela, hindi magiging
exciting
ang kwento kung walang kontrabida, ang walang kakupas-kupas na
"problema". Dahil sa pangangailangan sa pera, muli akong hinila ng mga
alagad ng dyablo upang bumisita sa loob ng kanilang templo, ang Casino.
At dahil sa pag aakalang mananalo ako ulit kagaya noong una, aba sympre
hindi na ako nagpakipot pa at hinayaan kong tangayin ang mga paa ko
patungo sa bahay ng pag asa. Ngunit sa kasamaang palad, ang nanalo ay
sila.
Tunay ngang masyadong malaki ang nagiging
impluwensya ng PERA sa pag iisip at mga desisyong ginagawa ng tao. At
kadalasan, parang dinaig pa ang apelyido ng tao upang gamiting
pagkakakilanlan nito. Pag may pera sikat. Ngunit pano naman kaya kung
hindi nauso ang pera? May mga pulitiko kayang magpapatayan para lamang
maluklok sa pwesto? Mauuso rin kaya ang pagkarami-raming partido? Naging
pangulo kaya ng mga bansa ang mga Presidente sa ating kasaysayan? Mas
naging maayos kaya ang buhay ng bawat tao? Ikaw, ano sa tingin mo?
Ngunit
ito ang katotohanan, kailangan natin ng pera para mabuhay. Kung kaya
naman lahat ng paraan ay ating gagawin magkapera lang. Ngunit hindi ito
sapat na batayan upang hayaan nating ang pera ang magpatakbo sa ating
mga pamumuhay. "
We earn for a living" ika nga, at hindi "
we live for the earning"
Sana dumating ang panahon na ang bawat isa ay may sapat na kakayahang
makamit ang bawat bagay na kanilang nais na hindi na mangangailangan pa
ng PERA. Ikaw? May pera ka ba d'yan?
Money is just a man made thing, and not a thing that makes a man